Franchising


Franchisee Values

PAMAMAHALA SA KALIDAD NG PAGKAIN
Magbibigay ng mga saligang recipe sa mga Franchisee upang mapasulong ang hindi pabagu-bagong mga pagkaing ini-aalok sa bawat lokasyon. Hinihimok ng punong tanggapan ang pagiging simple sa pang araw-araw na mga pagpapatakbo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sarsa at iba pang mga panghalo. Ang Franchisee ang siyang may pananagutan sa pagmamanman ng kalidad ng mga produktong pagkain sa bawat araw na basehan. Ang Tagapangasiwa ng Dibisyon (Division Manager) ang siyang magtatala ng mga pagmamasid sa bawat pagdalaw sa lokasyon at magsaayos ng mga kasunod na mga pagpupulong gaya ng kinakailangan.

SERBISYO SA CUSTOMER
Ang lahat ng manggagawa at tagapangasiwa sa bawat lokasyon ay sinanay upang masiglang batiin ang bawat potensiyal na tagatangkilik ng Koryo Korean Barbeque. Hindi lamang kinukuha ang mga manggagawa sa basehang kung gaano sila palakaibigan at madaling maturuan, ngunit sa kanila ring kakayahang mag-alok ng propesyonal na serbisyo sa regular na basehan. Ang aming paraan sa pagnenegosyo ay ang paglinang ng isang masaya at nakakapanabik na kapaligiran sa pagtatrabaho upang mapasigla ang mga manggagawa. Lahat ng mga customer ay pinaglilingkuran sa mabilis, palakaibigan at masayang paraan.

PROPESYONAL NA PANLABAS NA ANYO
Ang panlabas na anyo ng mga lokasyon, manggagawa at mga Tagapangasiwa ay mahalaga upang masuportahan ang produkto, serbisyo sa customer at mga pamantayan sa pag-istima. Inaasahan sa lahat ng mga Franchisee na isusulong ang maayos, malinis at propesyonal na panglabas na anyo sa lahat ng mga oras. Hinihilingan ang mga manggagawa na sumunod sa mga patakaran ng kumpanya kabilang ang, ngunit hindi limitado sa pagsusuot ng naplantsang mga uniporme, madalang na mga personal pakikipag-usap habang ini-istima ang mga panauhin, at palagiang napapanatili ang malinis na kapaligiran sa paggawa. Sinusuportahan namin ang karaniwang paniniwala ng customer na "ang malinis na kapaligiran ay nagsisilbi ng malinis na pagkain."

PAGLAGO AT MGA KITA
Aming pilosopiya ang magsiguro ang mataas na balik sa mga pamumuhunan para sa mga Franchisee sa pamamagitan ng pagtataglay ng mahabang-panahong mga kasanayan sa pagnenegosyo. Pangunahing bahagi ang mga Franchisee sa pangkalahatang tagumpay sa mga pagkakataon sa Koryo kaya naman; sinisiguro naming ang bawat Franchisee ay tinatrato bilang miyembro ng aming koponan, ipinareha upang makamit ang parehong tunguhin. Itinatag ang Koryo upang tanggihan ang "kislap sa kawaling" kalakaran sa bagong mga negosyo ngayon. Ang panayang pagsasaliksik sa kasalukuyan at hinaharap na mga pangangailangan ay magdidikta sa maraming mga pangnegosyong pasiyang may epekto sa paglago at mga kita ng indibidwal na mga lokasyon.

PANGANGASIWA NG GASTUSIN
Mahigipit na sinusubaybayan ng Punong Tanggapan ang mga estratehiya sa pangangasiwa ng gastusin sa pamamagitan ng regular na pag-uulat ng Franchisee. Paniniwala namin na maaaring tumaas ang mga kita sa pinababang mga gastusin at sa pagpapatupad ng mas mahusay na mga konsepto sa pagpapatakbo. Bibigyan ng pagkakataon ang mga Franchisee na magkaroon ng higit na pangangasiwa sa kabuuang mga numero sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga seminar na pinangungunahan ng mga miyembro ng Koponan sa Pangangasiwa sa Punong Tanggapan.

NAGPAPATULOY NA SUPORTA
Nakapangako kami sa pagbibigay ng nagpapatuloy a suporta sa bawat isa sa aming pinapahalagahang mga franchisee. Maglilingkod ang itinakdang Tagapangasiwa ng Dibisyon sa 3 gawain:

  1. Upang subaybayan ang mga pagpapatakbo, pag-unlad at pagpapatupad ng mga estratehiya sa negosyo sa bawat indibidwal na mga lokasyon gayun na rin ng mga lokasyon sa kabuuan sa natukoy na mga lugar.
  2. Upang suportahan ang mga franchisee sa lahat ng mga aspeto ng mga pananagutan sa pagpapatakbo kabilang ang (ngunit hindi limitado sa) mga paraan sa pangangasiwa, pagpapaunlad ng manggagawa, pagpapahusay sa pagbibigay serbisyo sa customer, pangangasiwa sa kalidad ng pagkain, at pangangasiwa sa gastos.
  3. Upang magturo sa pamamagitan ng pagsasanay sa gawain at mga seminar na pinangungunahan ng mga miyembro ng koponan ng pangasiwaan gayun na rin ng panlabas na mga mapagkukunan.

PAGPAPAUNLAD NG MANGGAGAWA
Hinahanap namin at pinapanatili ang pinakamainam na mga empleyado na makukuha, maglaan ng mahusay na kabayaran at mga programa sa pagbabahagi ng kita. Patuloy na pinagtutuunang pansin at sinusuportahang may mga Insentibo sa Merkado ang pangkoponan at indibidwal na pagkilala. May pagpipilian ang mga franchisee na ipatupad ang panggawad na mga programa sa mahabang serbisyo (nagpapangyari sa amin na maging nangunguna sa industriya) upang gantimpalaan ang nakapangakong mga empleyado. Karagdagan pa, palagiang binibigyang mataas na halaga ang pagkatuto at pag-unlad ng empleyado. Mayroong regular na mga pagtasa sa pagganap at sesyon sa pagsasanay upang pasiglahin at turuan ang mga empleyado. Mayroong mga kahon para sa mungkahi sa bawat lokasyon bilang karagdagang insentibo sa mga manggagawa upang ialok ang posibleng pinakamainam na serbisyo.

Ang aming intensiyon ay upang makapag-alok sa mga empleyado ng masaya at nakakaaliw na kapaligiran sa paggawa kung saan maaari nilang ipagmalaki ang pagiging bahagi ng isang pantanging negosyo. Isasama sa budget ang nagpapatuloy na mga kaganapang pang empleyado at isasama sa schedule upang mapaunlad ang pagbuo ng koponan.

KOMUNIKASYON
Komunikasyon ang pinakamahalagang pinahahalagahan sa loob ng aming organisasyon; lalo na habang ang kompanya mismo ay nagbabalak na magpalawak sa ibayo ng Canada at pandaigdigan sa maikling yugto ng panahon.. Ang mga kagamitan kagaya ng Internet, fax, telepono at video conferencing ay makukuha sa bawat lokasyon. Maglalagay ng mga paskilan sa pakikipagkomunikasyon (mga white marker board o bulletin board) upang mapasigla ang panloob na pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng mga indibidwal na empleyado sa bawat lokasyon. Ang malinaw, bukas at detalyadong komunikasyon ay ang pundasyon sa ating lumalagong mga restaurant.



Click to Enlarge

Koryo Franchising

Koryo Franchising

Koryo Franchising



Koryo News

Manic Mondays in Ontario

Mondays 12pm - 2pm
Get full meals for just $2! See your local store for more details.

Philippines, get ready...

Koryo will be opening in Manila. September will be our Grand Opening so if you're in the area, prepare for some new tastes and big promotions.

Contact

Koryo Head Office

Suite 103 - 830 Centre Ave NE
Calgary AB, T2E 9C3 Canada

Phone: (403) 237-5070
Toll Free: 1 (877) KORYO-BBQ
Fax: (866) 512-5853
Email: info@koryofranchise.com

Interested in owning your own Koryo Store?

We offer a variety of options and benefits including:
financing, subsidizing, low royalty fees, full support and more!

So drop us a line anytime,
We'll be happy to answer any questions you might have.