Is Franchising Right for You?
Napakainam na paraan sa pagnenegosyo ang pagprankisa dahil ang nangangasiwang lupon ang siyang umaasikaso sa pagpaplano at pag-oorganisa ng iyong negosyo at ang paunang mga gastusin ay mababa lamang kumpara sa pagpapasimula ng negosyo mula sa wala. Gayunpaman, kung nais mong magkaroon ng higit na pamamahala sa mga pagsisikap sa pagpapakilala, pagbuo ng menu, at balangkas ng pagpapatakbo, maaaring naisin mong isaalang-alang ang paglikha ng iyong sariling negosyo, o ang pagbili ng isang pribadong negosyo sa halip. Bagaman maraming bagay na matututuhan sa kapaligiran ng prankisa, kinakailangan kang sumunod sa ilang mga tuntuning gabay upang masiguro ang integridad ng Prankisa. Para sa marami, pinakamadali at pinakanagbibigay gantimpalang uri ng negosyo ang pagprankisa, lalo na kapag pumasok ka sa prankisa kung saan ang punong tanggapan ay umaalalay at tunay na nagmamalasakit sa iyong mga interes, kaisipan, at kakayahan.
Qualifications
Ang ilang saligang mga dahilang makakaapekto sa iyong kwalipikasyon sa prankisa ay kinabibilangan ng: iyong halaga ng personal na pagmamay-ari, madaling ipagbiling puhunan (liquid capital) o makukuhang pera sa pamumuhunan, karanasan sa pangangasiwa, at rekord sa pangungutang. Ang pinakamahalagang aspeto ng kwalipikasyon, maliban sa pinansiyal na kakayahan, ay ang iyong kakayahang sundin ang kultura ng Koryo o sa ibang salita, ang iyong negosyo at personal na pag-uugali sa pagprankisa. Natatanging pakikipagsapalaran ang Koryo na nabubuhay sa pagdadala ng malakas, may tuntunin sa moralidad at tapat na mga nangunguna sa loob ng pagnenegosyo nito, o Koponan.
Benefits
Sa paglagda ng kontrata, magkakaroon ka na ng karapatang gamitin ang pangalang pangkalakal ng Koryo, mga tatak pangkalakal (trade marks), log at istilo. Kilala na at tanggap ng publiko ang lasa at istilo ng pagkain ng Koryo, kaya naman maaasahan ang pagkita.
Ilalaan din ang mga pagsasanay ng tuwiran mula sa punong tanggapan ng Koryo para sa lahat ng aming mga franchisee. Kabibilangan ng tatlong linggong sesyon sa pagsasanay ang isang linggong mga pagtuturo sa loob ng klase o isahang mga pagtuturo, pagrerepaso ng mga aklat-gabay ng kompanya; isang linggong pagdanas ng aktwal na gawain sa umiiral na mga tindahan, at panibagong linggong pagsasanay sa panahon ng unang pagbubukas, pagpapabuti ng anumang mga bahagi kung saan maaari kang makadama ng hamon. Bibigyan rin namin ang aming franchisee ng nagpapatuloy na tulong at suporta, at gagawa patungo sa kapwa kagalingan.
Naglalaan ang Koryo Franchise sa aming mga franchisee ng pagkakataon na maabot ang pinakamataas na maaaring kitain na may pinakamababang halaga ng pagpapasok.
|